Minsan sa MRT

Posted by on Thursday, August 19, 2010

Nung mga first few days ko sa internship sa Citibank, ang way ko pauwi ay FX-MRT-VAN-TRICYCLE

Minsan isang araw, mga 6:00 PM na ako nakaalis ng Citi. Nagmadali naman ako. Pagdating ko na sa MRT Ayala. Grabe! Parang pang WOWOWEE yung pila. Ang daming paikot ikot na naganap. Mga 30 minutes din akong nakapila nun. Nung nakalagpas na ako sa guard na nagchecheck ng mga bag, ito na lang nasabi ko




Tapos nung naghihintay na ako ng tren, medyo natuwa ako kasi nasa bandang unahan ako. Ayun, may dumating na tren. Gitgitan na. Nang nakalabas na lahat ng dapat lumabas, nakipagsiksikan na ako papasok. Tapos, may biglang anak ng tapa na gumamit ng kamay at braso at buong katawan niya mauna lang makapasok. IMBA siya. Medyo malapit na talaga ako nun eh. Bigla ba naman ako hatakin tapos sa mukha ko pa ilagay ang mga kamay niya. Buti na lang hindi pa ako nasasapian nun kung hindi hinatak ko siya palabas ng tren.

At hindi pa natapos yun. Syempre, naghintay na lang ako ng sumunod na tren. Pagdating nung isang tren, nakapasok na ako! YES! Pero grabe pa rin yung mga tao sa labas, pumapasok pa rin kahit sobrang sikip na.

May isa pang lalaking nagsabi

Guy: Usog pa. Maluwag pa diyan sa loob.
Me: Mas maluwag diyan sa labas. Diyan ka na lang.

HAHAHA. Sorry na sa pagiging kupal. Gusto ko na kasi talaga makauwi.

5 Comments

  1. I have a post about may mrt/lrt experiences. Haha. Ibang klase talaga ang tren, adbentyur diba? :)

    ReplyDelete
  2. Ganyan talaga boss.. sakit sa katawan ang MRT.. jan din ako namigay ng phone. hehe

    ReplyDelete
  3. hehehe, ang salbahe...ganyan talaga pag atat nang makauwi. heheh

    ReplyDelete
  4. @yow: hahaha. grabe talaga mga tren sa atin. :))

    @midnight driver: ayos! :)) sana sa akin mo na lang binigay. haha

    @katoto: syempre. haha. lahat nagagawa pag gusto ng umuwi! haha

    ReplyDelete
  5. panalo to! "Me: Mas maluwag diyan sa labas. Diyan ka na lang." hahahaha!

    ReplyDelete

About Me

My photo
Read my 140 character thoughts through my twitter account: @judesagum!

Followers

Powered by Blogger.